Tumuntong siya sa bayan niya
Dala lamang ay pag-asa
Di mapigil ang inggit nila
Sa isang bala ay nilagot ang buhay niya
Buong bayan ay pumila
Upang magisnan ang bangkay niya
At sa ganon malaman na
Ang bawa’t tao ay di nag-iisa
Di ka nag-iisa…di nag-iisa
Di ka nag-iisa..kahit pilitan pa nila
Sa pamamagitan ng bala
Di nila mapipigil ang pag-usbong ng pag-asa
Pagka’t likas sa Pilipino
Ang manatiling malaya
Kaya tandaan di ka nag-iisa…di nga-iisa
Di ka nag-iisa…di nag-iisa
Di ka nag-iisa
Labanan natin ang dilim
Kandila natin sindihan
At sa liwanag magisnan
Ang pagkakaisa ng ating bayan
Di ka nag-iisa
Ang ating pamimighati
Sa kanyang pagkakapatay
Ito ay ating itabi at sanay
Pailitan ng isang tapang
Di na nag-iisa ang taong bayan
Di ka nag-iisa…kahit pilitin pa nila
Sa pamamagitan ng bala
Di nila mapipigil ang pag-usbong ng pag-asa
Pagka’t likas sa Pilipino
Ang manatiling malaya
Kaya tandaan di ka nag-iisa…di ka nag-iisa
Di ka nag-iisa…kahit pilitin pa sila
Sa pamamagitan ng bala
Di nila mapipigil ang pag-usbong ng pag-asa
Pagka’t likas sa Pilipino
Ang manatiling Malaya
Kaya tandaan di ka nag-iisa
Di ka nag-iisa…di nag-iisa (6x)