Lapit mga kaibigan at makinig kayo
Ako'y may dala dalang balita galing sa bayan ko
Nais kong ipamahagi ang mga kwento at
Ang mga pangyayaring nagaganap sa lupang ipinangako
Ang lupang pinanggalingan ko'y may bahid ng dugo
May mga lorong di makalipad nasa hawlang ginto
May mga puno walang dahon
Mga pusong di makakibo
Sa mga pangyayaring nagaganap sa lupang ipinangako
Mula ng makita ko ang lupang ito
Nakita ko rin ang munting apoy sa puso ng tao
Ginatungan ng mga kabulukan hanggang sa lumago,
Ngayon ang puso'y may takot sa lupang pinangako
Lapit mga kaibigan at makinig kayo
Ako'y may dala dalang balita galing sa bayan ko
Nais kong ipamahagi ang mga kwento at
Ang mga pangyayaring nagaganap sa lupang ipinangako
Dati rati ang mga bukid ay kulay ginto
Dati rati'y ang mga tao sinlaya ng ibon
Dati rati ay katahimikan, ang musikang nagpapatulog sa mga batang walang
Muwang sa mundo
Ngayon ang lupang ipinangako ay nagsusumamo
Patakan n'yo ng luha ang apoy sa kanyang puso
Dinggin n'yo ang mga sigaw ng mga puso
Ng taong una n'yong dadamhing kabilang sa inyo
Duol mga kaigsuunan ug paminaw kamo
Duna koy dala nga mga balita gikan sa banwa ko
Gusto nga ipahibalo ang mga istorya nga nagagahitabo sa banwagisa na to